Monday, June 14, 2010

Salamat

Salamat…
minsan kang naging araw sa aking umaga,
at buwan sa aking gabi.

Salamat…
sa mga ngiti,
gayundin sa mga luha.

Salamat…
natuto na akong mag-isa,
at hindi ka kasama.

Salamat…
nang minsa’y itinuring mo din akong araw sa umaga,
at buwan sa iyong gabi.

Salamat…
nang sabihin mong minsa’y nabigyan kita ng ngiti,
kahit alam ko na mas marami ang luha.

Salamat at ngayo’y
mas masaya kang nag-iisa,
at hindi ako ang kasama.

Salamat at masaya ka na.
Salamat at alam ko na kung paanong
maging masaya para sa iyo.

Salamat.

-kulay