Tuesday, June 29, 2010

Little Boy Noynoy

Tanong ng pamangkin kong little boy,
"Tita, sino po ba si Noynoy?"
Sagot ko'y "anak siya nina Cory at Ninoy,
at ang kanilang one and only boy."

Kapatid din siya ni Kris,
na marami na ang tiniis
sa kabila ng magandang bihis
at makinis na kutis.

Bukas, si Noynoy na ang ating bagong pangulo,
at sana'y huwag maging sakit ng ulo.
Dapat ay maging isang mabuting pinuno,
Para sa ating mga Filipino.

O ayan little boy,
kilala mo na ngayon si Noynoy.
Payo ko'y dapat parehas kayong huwag maging bad boy,
kundi ilulublob ko kayo sa kumunoy!