Saturday, June 19, 2010

Ang Pagsulat ko ay parang...

(Teka naalala ko, kaarawan ngayon ni Rizal, tutulain ko muna yung pinakabisado sa akin noong elementarya ako… “Hunyo labing-siyam siyang kaarawan ng bayaning mahal ngala’y Jose Rizal!”Ayos na, iyan lang ang natandaan ko. Naalala ko kasi siya bilang manunulat na may dalawampu’t dalawang lengguwaheng alam. Hindi naman kami nagkakalayo dahil ako may dalawang lengguwaheng alam. Malayo ba? Hindi di ba? Dahil sobrang layo.Kaya minabuti ko munang magsulat muli sa Filipino.Mas okey magkumpara ng dalawang magkaibang bagay sa wika natin.Sana mailahad ko nang mabuti.O eto na…)

Ang pagsulat ko ay parang pag-utot lang din.

Napansin ko, kapag naparami ang kain ko at nagrambol na sila sa tiyan, bago pa man ako mangubeta may pauna munang pag-utot. Kahit papaano may ginhawa na akong nararamdaman. Yun nga lang kung may makaamoy, dapat handa ako sa reaksyon. Lalo na kung nakasusulasok ang inilabas ko.

Sa pagsulat ganoon din, pansin ko, kapag marami na akong emosyong nararamdaman at nagrarambol na sila sa isip at sa dibdib ko, nagpupumiglas na sila. At pagsulat ang paraan para maibsan kahit papaano ang nararamdaman ko kaysa magsalita nang mag-isa.
O di ba para lang din akong umutot? Sa ganoong paraan ko kasi mailalabas ang mga iyon. At handa rin ako sa mga reaksyon nang makakabasa ng isinusulat ko lalo pa’t kapag nakasusulasok na para sa kanila.

Ang sagot ko lang, “Bakit ninyo binasa? Pwede namang hindi. Sa pag-utot, “Bakit ninyo inamoy? Pwede namang hindi. O kaya, “Huwag na kayong magreact, nakikibasa lang kayo. Sa pag-utot, “Huwag na kayong magreklamo nakikiamoy lang kayo.”

Hala naku!Ano naman itong pinagsasabi-sabi ko. O bahala na kayo… Amoy! Este! Basa!