Thursday, June 10, 2010

Kwarto

Kagabi,bumuhos ang malakas na ulan.Nagising ako at pinagmasdang mabuti ang lumang bubong ng aking kwarto. Saan na naman kaya magsisimula ang patak? Kukuha na ba ako ng timba? O hahayaan ko na lang na umagos sa sahig?

Matagal din akong nag-isip.

Pinakinggan ang hangin at buhos ng ulan. Parang ayaw tumigil.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at tuluyang naidlip.

Nagising ako na tumila na ang ulan. Salamat at walang nabasa sa aking kwarto.

Himala.

Bumangon ako, naghilamos at nagsipilyo. Halos limang buwan na pala ang lumipas. Disyembre nang huli kong iayos ang kwarto. Pagpasok ng Enero ng taong ito, hindi ko na halos nagawang magwalis o kahit ang mag-ayos ng aking mga gamit. Saksi ang kwarto sa pagpatak ng mga luha ko. Bawat sulok, bawat gilid, napatakan ng luha sa pagkawala niya.

Kagabi, bumuhos ang malakas na ulan. Nagising ako at pinagmasdang mabuti ang lumang bubong ng aking kwarto. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at tuluyang naidlip.

Nagising ako na tumila na ang ulan…

Tulad ng mga luhang pumatak halos limang buwan na ang lumipas

sa loob ng aking…

kwarto.

-kulay