Minsan sa buhay, may mga katotohanan tayong pilit na itinatago.
Minsan, mas gugustuhin pa nating mabuhay na lang sa kasinungalingan.
Pero aminin natin, para tayong nakakakulong sa isang kahon kapag ganoon,
madilim,
masikip,
mahirap huminga.
Sa gabi, binabagabag tayo ng katotohanang iyon at ng kasinungalingang pilit nating sinasabing iyon ang katotohanan.
Sa buhay, dapat alam natin sa sarili natin na wala na tayong katotohanan pang itinatago.
Dapat lahat handa nating aminin.
Amen kung ganoon.
Sa buhay, dapat alam natin sa sarili natin na hindi tayo nabubuhay sa kasinungalingan.
Dapat lahat handa nating harapin.
Amen kung ganoon.
Gasgas mang sabihin, katotohanan lang ang magpapalaya sa atin. Kaya kailangan nating aminin ang lahat lahat. Makasakit man ang katotohanang iyon. Bakit pa natin iisipin ang sasabihin ng iba sa atin? Sa huli, ang mahalaga ay ang sasabihin Niya sa atin.
Amen.
Aminin na natin, sa buhay kailangan nating umamin, katotohanan, kasinungalingan, aminin na natin ang lahat.
Kaya ba?
Amin kung ganoon. Amen.