Saturday, June 12, 2010

Sa Disyerto at Sa Mga Isla ng Galapagos

Ayon sa manunulat na si John Gray ”Men are from Mars, Women are from Venus.” Totoo ‘yan!Galing sa magkaibang mundo at sa dalawang diyos at diyosa ng mga Romano, kaya’t madalas hindi magkaintindihan dahil maraming pagkakaiba.

Pero kung bibigyan ako ng karapatan, at kung lugar lang din ang pag-uusapan, mas nakikita kong ang mga lalaki ay sa disyerto at ang mga babae ay sa mga Isla ng Galapagos.

Sa disyerto mainit, kaya’t ang mga lalaki palaging mainit.

Madaling mag-init ang ulo.

Sa mga Isla ng Galapagos matubig, kaya’t ang mga babae palaging basa. Ay umayos kayo ha, basa ng luha ang ibig kong sabihin.

Ang mga lalaki kapag may isyung mauuwi sa argumento, mananahimik lang. Pero huwag ka, nag-iinit na ang mga ulo niyan. Disyertong disyerto.

Ang mga babae naman, masyadong maingay, taratitat ang mga bibig. (taratitat-tarat,tarat,daldal ng daldal) parang sa Galapagos, dahil iba’t ibang uri ng hayop ang nandodoon, sari-saring ingay ang maririnig.

Ang mga lalaki kapag may problema,kinikimkim. Tahimik parang disyerto.

Ang mga babae, madadaldal, hindi maitago, broadcast dito, broadcast doon. (Aray!) Maingay talaga Galapagos nga.

Ang mga lalaki kapag galit na, tahimik na mapanganib. Parang disyerto, may mga makamandag na kung anu-anong nakatago.

Ang mga babae kapag galit na, maingay na mapanganib. Galapagos nga, madaming hayop, maingay at may mababangis.

Hay naku, may kabuluhan ba itong mga pinagsasasabi ko? O sige kahit yung sa nauna na lang kayo magpokus para may katuturan naman. Ang mga lalaki parang sa disyerto,mainit. Madaling mag-init ang ulo. Ang mga babae parang sa mga Isla ng Galapagos matubig, palaging basa… basa ng luha.

O ayos na. Ang mga lalaki ay sa disyerto at ang mga babae’y sa mga Isla ng Galapagos.

-kulay