Wednesday, December 1, 2010

Tanong Sagot

Bakit Ako Maganda?

Ewan ko.
Tanong n’yo kaya sa nanay at tatay ko.
Ay teka. Sino bang nagtatanong?
Ay ako pala!

Bakit ako maganda?

Pakialam n’yo?
Tanong n’yo kaya sa nanay at tatay ko.
Ay teka. Sino bang nagtatanong?
Ay ako pala!

Bakit ako maganda?

Eto na…
Bilugan ang aking mga mata,
matangos ang aking ilong,
maganda ang hugis ng aking mga labi.

Ewan ko.
Pakialam n’yo?
Tanong n’yo kaya sa nanay at tatay ko.
Ay teka. Sino bang sumasagot?
Ay ako pala!

Bakit ako maganda?

Eto pa…
Istreyt ang aking buhok,
makinis din ang aking kutis,
maganda rin naman ang hubog ng aking katawan. (ehem)

Ewan ko.
Pakialam n’yo?
Tanong n’yo kaya sa nanay at tatay ko.
Ay teka. Sino bang sumasagot?
Ay ako pala!

Bakit ako maganda?

Ewan ko.
Pakialam n’yo?
Tanong n’yo kaya sa nanay at tatay ko.
Ay teka. Sino ba talagang maganda?

Ay ako pala!