Para sa mga naliligaw dito...
Gusto ko lang ibahagi ang kwento ko sa blog na ito... hindi ako sumulat para magpasikat o makilala at hindi ako nag-blog para dun. Nang makita ko ang sarili kong nagsusulat ng mga tula-tulaan nang mawasak ang puso ko ngayong taon, naghanap ako ng mapaglalagyan ng mga iyon. Hanggang sa makita ko na lang ding muli ang sarili ko na nakapagsusulat na ng kung anu-ano pa.
Mga bandang Agosto, nang maging maayos na ang emosyon ko at wala na halos akong maisulat. Pagtungtong nga ng Setyembre wala na talaga akong naisulat. Ang sabi ko sa sarili ko, magiging static na ang blog ko pero at least nandidiyan lang ang mga naisulat ko.
Nang makatanggap ako ng nomination sa Philippine Blog Awards,napangiti nun ang puso ko. Hindi ko inakala na ang blog-bloggan ko na halos walang nagbabasa kundi malalapit na mga kaibigan, mga dalawa o tatlo sila, ay mapapabilang sa mga notable, finest and brightest Filipino blogs for 2010 (ang paglalarawan ng PBA at nabasa ko din sa mga artikulo sa iba pang website) Antaray noh?
Muli akong nakapagsulat dahil dun, basta bigla na lang. Pero pagkatapos ng awards night, parang tinanong ko na ang sarili ko kung magsusulat pa ba ako. Okey na ang lahat sa akin, nagsulat ako at unexpectedly kinilala ang mga naisulat ko. Sapat na yun at masaya na ako para dun.
Nagpadala ako ng mensahe ng pasasalamat sa isang kilalang blogger, at nasabi ko sa kanyang hindi ko talaga alam kung makakapagsulat pa ako. Pakiramdam ko kasi sapat na yung pagkilala na ibinigay sa blog at gusto ko na ring huminto.
Sumagot siya at sinabing, " bakit ngayon ka pa titigil? sayang naman... tayo'y magsulat. seryoso, sayang. malaking kasalanan sa mundo ng pagbablog pag hindi mo nilabas 'yung ganyang galing mo. oo, maniwala ka." -joncabron
Eh masunurin ako noh!
Itutuloy ko lang ang pagsusulat kahit pa walang magbasa ng blog ko. Ayoko lang din maging makasalanan sa mundo ng pagbablog. Echos!
Kaya naman 'pag tumuntong ang 2011, sisiguraduhin kong mas magaganda at ilalagay ko ang buong puso ko sa bawat maisusulat ko.
Pero bago ang mga iyon... mayroon din akong sariling top 10 posts para sa taong ito. Ang mga naisulat kong tumatak talaga sa puso ko. Eto na sila... drum roll please... duuun duuuun duuuun duuuun....
Sampu sa Dalawampu at Sampu!
10 In His Eyes, In My Ex-lover’s Eyes
9 smiles,tears and heartaches
8 Ako, Isang Laruan
7 Feel it
6 Baliw
5 The Best Book Ever-written
4 Today (after surviving the loss of a love)
3 Shadows of Lies
2 Dawns and Twilight, Sorrows and Rainbows
1 Like the Phoenix
Salamat sa mga naliligaw dito kung meron man. Maaari ninyong kopyahin ang mga naisulat ko pero sabi nga "basta huwag lang aangkinin."
Maraming Salamat 2010!
No comments:
Post a Comment