Sunday, December 12, 2010

Ahahaha! (Ikalawa)

Magdamag na akong gising
Nagbabasa ng mga bago kong naisulat
may naalala ako...
Kanina kausap ko ang matalik kong kaibigan
sabi niya, binasa n'ya ang una kong ahahaha!
Magcocomment daw sana siya at sasabihing
"Ano ka...dito kaya sa Vietnam at China
may mga babaeng construction worker!
Malay mo sa Pilipinas ikaw ang mauna!"
Ahahaha!
Di ko alam bakit naisip n'ya yun
Ahahaha!
Itinuring ko pa man din siyang kaibigan!
Gusto pa talaga akong ilagay sa kasaysayan!
Ahahaha!
"Kulay - semento ang buhay!"
Ahahaha!
Ang tigas naman nun!
Pero naisip ko...
ano kayang itsura ko habang nagbubuhat
at naglalagay ng buhangin at graba sa mixer?
Ahahaha!
In fairness, maglilipstick pa ako nun!
At sa kauna-unahang pagkakataon
magpopony tail ng hair...
Ahahaha!

Magdamag na akong gising
Nagbabasa ng mga bago kong naisulat
may naalala ako...
Bakit nga pala ako maglilipstick pa
eh sa tindi ng sikat ng araw malamang
bitak bitak na ang mga labi ko nun!
Ahahaha!
Pero naisip ko, kung ganun nga kaya ang trabaho ko
makakapag retouch pa kaya ako kapag break time?
Kahit face powder man lang?
Ahahaha!
Biruin ko yun! Puro alikabok na nga ako
magreretouch pa!
Ahahaha!
Guguhit talaga ako sa kasaysayan nun!

Magdamag na akong gising
Nagbabasa ng mga bago kong naisulat
may naalala ako...
maisipan ko pa kayang makapagpa manicure
at pedicure linggu-linggo?
Ahahaha!
Para naman kyut ang mga daliri ko
habang may buhat-buhat na hollow blocks.
O kaya habang pumuputol ng bakal!
Ang tigas ko talaga pag ganun!
"Kulay - ang construction worker na kikay!"
Ahahaha!

Magdamag na akong gising
Nagbabasa ng mga bago kong naisulat
may naalala ako...
Subukan ko kayang mag-apply sa ganun?
nang maexperience ko naman ang bigat ng trabaho nila?
Mag-aapply akong nakalipstick
with matching manicure and pedicure.
Tanggapin kaya ako?
O tuluyan na akong ilagay sa mixer?
Ahahaha!

Magdamag na akong gising
Nagbabasa ng mga bago kong naisulat
may naalala ako...
kailangan ko na nga palang magbeauty rest
aattend pa ako ng awards night
Ahahaha!
Magdadala ako ng pala!
este!
magdadala ako ng face powder at lipstick
para naman walang makakilala sa akin
bilang si Kulay- ang construction worker na kikay!
Ahahaha!