Monday, December 6, 2010

Pasko Na!

Pasko Na!
Wala na siya.
Sa tagal naming magkasama,
walang gabi ng pasko
na dalawa kaming magkasalo.

Pasko Na!
Wala na siya.
Naiwan akong nag-iisa.
Maaaring mayroon na siyang iba,
pero okey ‘yun para naman maiba.

Pasko Na!
Wala na siya.
Sanay naman akong nag-iisa,
naghahanda ng Noche Buena
na sina nanay ang kasama.

Pasko Na!
Wala na siya.
Basta ako maayos na,
dahil kahit ngayon ako’y nag-iisa,
sa wakas hindi na ako balisa.

Pasko Na!
Wala na siya.
Hay naku siya siya!
Hindi na nga pala ako nag-iisa,
dahil ang kasama ko ay SIYA.