Wednesday, December 1, 2010

Ahahaha!

Maghapon na akong nakahiga.
Nagbabasa ng mga dati kong naisulat.
May naalala ako...
Kanina pinagmamasdan ko yung mga constuction worker
na gumagawa ng building sa trabaho ko.
Nakita ko yung bigat ng trabaho nila,
eh paano pa kaya kung brokenhearted pa sila?
Ahahaha!
Di ko alam bakit naisip ko yun.
Siguro kasi kung naging construction worker ako
at ng panahong brokenhearted ako,
baka inilagay ko na ang sarili ko sa mixer.
Ahahaha!
Di ko alam bakit naisip ko yun.
Biglang may lumapit na bata at nagtanong,
"Ma'am bakit tulala po kayo?"
Ang sagot ko, "O sige gumaya ka."
Ahahaha!
Di ko alam bakit naisip ko yun.
Pakiramdam ko kasi nainspire s'ya eh,
kaya nasabi kong o sige gumaya ka.
Ahahaha!
Matatanggal ako sa trabaho nito.
Ahahaha!
Malamang constuction worker ang bagsak ko.
Maghapon na akong nakahiga.
Nagbabasa ng mga dati kong naisulat.
May naalala ako...
Bakit ako magiging construction worker?
Eh babae nga pala ako!
Ahahaha!
Di ko alam bakit naisip ko yun!
Maghapon na akong nakahiga.
Nagbabasa ng mga dati kong naisulat.
May naalala ako...
Maghahalo pa nga pala ako ng semento.
Este!
Magsusulat pa pala ako ng lesson plan ko.
Ahahaha!
Maghapon na akong nakahiga.
Nagbabasa ng mga dati kong naisulat.
May naalala ako...
pero tatawa na lang ako.
Ahahaha!