Ayokong magbasa ng tula,
na isinulat sa matatalinhagang salita,
at kailangan ko pang hanapin ang kahulugan
bago ko tuluyang maintindihan!
Ayokong magbasa ng tula,
na isinulat sa mga karakter na Hapon.
Magkakandaduling-duling lang ako sa maghapon,
sa sakit sa mata para akong asong kinakapon!
Ayokong magbasa ng tula,
na isinulat sa wikang Pranses.
Dahil kahit ulit-ulitin ko pa ng ilang beses,
di ko talaga maiintindihan chuvachenes!
Ayokong magbasa ng tula,
na isinulat ng mga nagra-rap,
Dahil kahit ito'y sa tenga'y masarap,
di yata bagay sa akin ang magfliptop!
Ayokong magbasa ng tula
na isinulat na puno ng luha.
Lalo pa’t si Kulay ang sumulat ng mga iyon,
sobrang nakakahiya dahil teka ako iyon ah!
Ay naku!
Ayoko na munang magbasa ng tula!