Kagabi…
Tinext mo ako,
ang sabi mo magkita tayo.
Kagabi…
Nagkita tayo,
ang sabi mo hello.
Kagabi…
Niyakap mo ako,
ang sabi mo ay lab yu.
Kagabi…
Niyakap kita,
ang sabi ko mahal din kita.
Kagabi…
Naglapat ang mga labi natin,
at ang gabi ay naging atin.
Kagabi...
Nangako tayong magmamahalan,
hanggang maglaho na tayo sa kawalan.
Kagabi…
Nagkita tayong talaga,
pero sa panaginip lang nakakaloka!