Saturday, February 26, 2011

B.O.R.E.D.

Wala akong magawa
mag-iinternet na lang ako
manonood sa youtube
magcocomment sa facebook
magbabasa ng mga blog entry
at maggogoogle ng kung anu-ano
O kaya naman
magyayaya ako ng mga kaibigan
magmamall
manonood ng sine
magkakape
at magpipicture picture
Pwede ring
uuwi na lang ako ng bahay
manonood ng tv
makikinig sa fm
magvivideoke
at matutulog
Wala kasi talaga akong magawa
ibahin ko kaya?
kukulutin ko na lang buhok ng aso namin
maglalaba ng mga puno
tatayo sa ulo ng kapitbahay
magpapakulo ng ice cream
maglalagay ng carpet sa bubong
bibigyan ko ng award ang sarili
maghihiwa ng tubig
magtatanim ng tinapay
magtatayo ng bagong pyramid
at bubuhayin ko ang mga Trojan
Ayan marami na akong gagawin
Tara! Join ka!

photo from google images

No comments:

Post a Comment