Thursday, February 3, 2011

Aah si Shooting Star!

Si Shooting Star
Ang nagbalik mula sa nakaraan ko.
Ngunit napakabilis nang pagdaan niya.
Ni hindi ko namalayan,
halos buong puso ko muntik na n’yang natangay.

Si Shooting Star
Ang nagparamdam sa akin na isang araw
muli akong matatagpuan ng pag-ibig.
Sa sandaling panahong kami’y nakapag-usap,
halos mahulog na ang loob ko sa kanya.

Si Shooting Star
Aah… si Shooting Star!
Halos araw-araw siyang dumadaan.
Pero sapat nang tinatanaw ko na lang siya.
Ngumingiti ang puso ko sa tuwing makikita siya.

Si Shooting Star
Isa lang ang malinaw,
siya ang aking prinsipe
nang mangarap ako
na isa akong prinsesa.

Si Shooting Star
Siya ang gatas sa aking kape,
siya ang palaman sa aking tinapay,
at siya ang pula sa aking itlog.
Ah basta! Hindi kumpleto kung wala siya.

Si Shooting Star
Siya ang mantika sa aking prito,
siya ang sabaw sa aking nilaga,
at siya ang usok sa aking inihaw.
Ah basta! Hindi kumpleto kung wala siya.

Si Shooting Star
Siya ang balakubak sa aking anit,
siya ang muta sa aking mata,
at siya ang tutuli sa aking tenga.
Ah basta! Hindi kumpleto kung wala siya.


Si Shooting Star
Ngunit isa lang talaga ang malinaw,
siya ang aking prinsipe
nang mangarap ako
na isa akong prinsesa.

Si Shooting Star
Ang nagbalik mula sa nakaraan ko.
Ngunit napakabilis nang pagdaan niya.
Ni hindi ko namalayan,
halos buong puso ko muntik na n’yang natangay.



No comments:

Post a Comment