
Pupunta ako ng Divisoria
bibili ng sampung manika
naghintay ako ng sasakyan
limang dyip ang dumaan
isa ang huminto
ang nagtanong sa akin ng ganito,
"miss, saan ka?"
sagot ko'y
"sa divisoria,
bibili ng sampung manika."
Umandar na ang dyip
sa bintana ako'y sumilip
dalawang bus ang nasa tapat
sa bilis, daig pa ang mga atat
tumingin naman ako sa kanan
tatlong kotse ang nag-uunahan
may limang ale ang pumara't sumakay
ang apat ay may anak na akay-akay
nagbayad na ako ng pamasahe
sa Divisoria ang aking byahe.
Lumingon ako sa likod
kasunod nami'y sasakyan ng mga tanod
pagdating sa Morayta
anim na estudyante ang naggagala
sumakay sa dyip namin ang tatlo
at tinanong ako ng ganito,
"miss, saan ka?"
sagot ko'y
"sa divisoria,
bibili ng sampung manika."
Napatingin ako sa isang iskinita
siyam na pulubi ang aking nakita
mga pito sa kanila ay matanda
katabi nila ay mga lata
isang rugby boy ang pumara
wala akong magawa kundi ang maawa
tanong nya'y "miss, saan ka?"
sagot ko'y
"sa divisoria,
bibili ng sampung manika."
Pagdating sa Divisoria
naghanap ako ng sampung manika
namili ako ng magaganda
tumawad ako nang makamura
nagpaikut-ikot sa walong sulok
kahit pa ako'y mag-amoy usok
sa wakas! nakabili rin ako ng sampu
bago pa man ako mahapo
sumakay na ako ng dyip pauwi
sa byahe ayokong magpaabot ng gabi.
Pag-uwi ko sa aming bahay
wala sa loob ang aking nanay
nagpapaligo ng dalawa naming aso
pagkatapos ay lalagyan daw n'ya ng laso
dumiretso ako sa kusina
kumain ng tatlong empanada
bigla akong nag-alala
muntik pa akong matulala
binilang ko ang bibigyan ko ng manika,
naku! labing-isa pala sila.
naghintay ako ng sasakyan
limang dyip ang dumaan
isa ang huminto
ang nagtanong sa akin ng ganito,
"miss, saan ka?"
sagot ko'y
"sa divisoria,
bibili ng sampung manika."
Umandar na ang dyip
sa bintana ako'y sumilip
dalawang bus ang nasa tapat
sa bilis, daig pa ang mga atat
tumingin naman ako sa kanan
tatlong kotse ang nag-uunahan
may limang ale ang pumara't sumakay
ang apat ay may anak na akay-akay
nagbayad na ako ng pamasahe
sa Divisoria ang aking byahe.
Lumingon ako sa likod
kasunod nami'y sasakyan ng mga tanod
pagdating sa Morayta
anim na estudyante ang naggagala
sumakay sa dyip namin ang tatlo
at tinanong ako ng ganito,
"miss, saan ka?"
sagot ko'y
"sa divisoria,
bibili ng sampung manika."
Napatingin ako sa isang iskinita
siyam na pulubi ang aking nakita
mga pito sa kanila ay matanda
katabi nila ay mga lata
isang rugby boy ang pumara
wala akong magawa kundi ang maawa
tanong nya'y "miss, saan ka?"
sagot ko'y
"sa divisoria,
bibili ng sampung manika."
Pagdating sa Divisoria
naghanap ako ng sampung manika
namili ako ng magaganda
tumawad ako nang makamura
nagpaikut-ikot sa walong sulok
kahit pa ako'y mag-amoy usok
sa wakas! nakabili rin ako ng sampu
bago pa man ako mahapo
sumakay na ako ng dyip pauwi
sa byahe ayokong magpaabot ng gabi.
Pag-uwi ko sa aming bahay
wala sa loob ang aking nanay
nagpapaligo ng dalawa naming aso
pagkatapos ay lalagyan daw n'ya ng laso
dumiretso ako sa kusina
kumain ng tatlong empanada
bigla akong nag-alala
muntik pa akong matulala
binilang ko ang bibigyan ko ng manika,
naku! labing-isa pala sila.
photo from childtherapytoys.com
No comments:
Post a Comment