Alas-dose ng tanghali,bubuksan ko ang mga bintana
maghihintay ng ilang minuto
maya-maya pa'y makikita na kita.
Ang mga mata mo at mga ngiting
masarap titigan.
Alas-dose ng tanghali,
bubuksan ko ang mga bintana
maghihintay ng ilang minuto
maya-maya pa'y maririnig na kita.
Ang boses mo at mga tawang
masarap pakinggan.
Alas-dose ng tanghali,
bubuksan ko ang mga bintana
maghihintay ng ilang minuto
maya-maya pa'y makakausap na kita.
Ang mga kwento mo at alaalang
masarap balikan.
Alas-dose ng tanghali,
bubuksan ko ang mga bintana
maghihintay ng ilang minuto
maya-maya pa'y muli tayong magkikita.
Magtititigan, magtatawanan at
magkukwentuhan.
Alas-dose ng tanghali,
bubuksan ko ang mga bintana
maghihintay ng ilang minuto.
Oo nga pala, anong gamit mo?
Ang mga bintana din ba?
O ang gawa ng mansanas na may kagat?
No comments:
Post a Comment