Palakpakan.
Tapos na ang palabas.
May isang hindi nasiyahan. Wala daw thrill at masyadong naka choreograph.
Sagot ko, mas okey nang naka choreograph, at least alam mong pinagplanuhan at pinaghandaan para sa ikasisiya mo. Kaysa naman basta-basta, hindi ka sigurado kung para sa kasiyahan mo talaga o kasiyahan lang ng gumaganap. Pero nasa iyo kung ano nga ba sa dalawa. Napatunayan ko na ang pag-ibig pala ay tila isang palabas. May artistang babae,may artistang lalaki at may direktor. Aminin na natin na sa pag-ibig na namagitan sa atin, ako ang babae at ikaw ang lalaki at ang Maykapal ang ating direktor. ‘Yun nga lang nagpasaway tayo sa Kanya kaya natapos ng hindi kasiya-siya.
Muling magbubukas ang telon.Magliliwanag ang mga ilaw.At iikot ang kamera. Sa pagkakataong ito, gugustuhin kong sa pagtatapos ay may masigabong palakpakan at makikita kong nakangiti ang aking direktor.