Monday, April 12, 2010

Huwag Basahin, Masagwa!

Naaalala mo pa ba nang tinututulihan kita?
Di ba pumipikit ka pa nun at halos tumulo ang laway mo?
O di ba, ang sagwa!

Naalala mo pa ba nang hilahin ko ang buhok mo sa ilong
dahil lumalabas na?
Halos mabahing ka nun.Sabi mo gupitin na lang.
Ay ang sagwa!

E nung nagbabalat ang paa mo, naalala mo pa ba?
Tinanong mo kung may petroleum jelly ako at papahiran mo.
Sabi ko ako na ang kukuha pero ikaw ang magpahid.
Hala ang sagwa!
Pinapahid ko kasi yun sa labi ko e.

Ako naaalala ko pa nung binubunutan mo ako ng buhok sa kilikili
Challenging di ba?
Pero teka ang sagwa!

Naaalala ko din nang kinabag ako at
binigyan mo ako ng unan para dumapa.
Ha ha.. ang sagwa!
Parang atomic bomb ang lumabas nun ah.

Simula noon, naaalala mo pa ba?

Lagi kong sinasabi sa’yo may ibibigay ako!
Walang sabi-sabi dadapa ka at tatakpan ang mukha.
Handa ka na dahil huhulihin ko na ang utot ko at ipapaamoy sa’yo.
Ay grabe ang sagwa!

Pero naaalala mo pa ba?
Ginagawa mo rin sa akin yun ha!

Wala lang.. masarap pa lang alalahanin lahat ng masagwa.
Pero sabi ko sa inyo, huwag basahin, talagang masagwa!