Monday, April 12, 2010

Masanay Ka Na Kulay

Nasanay na ako na hindi ka nagtetext.
Nasanay na ako na hindi ka kinukulit sa text.
Nasanay na ako na hindi ka tumatawag.
Nasanay na ako na hindi naririnig ang boses mo.

Sinasanay ko na ang sarili ko na hindi tumitingin sa relo.
Sinasanay ko na ang sarili ko na hindi na ihahanda ang pagkain mo.
Sinasanay ko na ang sarili ko na hindi na ihahanda ang isusuot mo.
Sinasanay ko na ang sarili ko na hindi na iaayos ang mga gamit mo.

Hindi pa ako sanay na wala ka na.
Hindi pa ako sanay na hindi ka hinihintay.
Hindi pa ako sanay na hindi ka na magbabalik pa.
Hindi pa ako sanay, hinding hindi pa.

Kailan ako dapat na masanay?
Hanggang kailan ako maghihintay?
Maghihintay nang maghihintay,
Maghihintay na masanay.