Friday, April 16, 2010

Baliw

DESIDERATA –
“… even the dull and ignorant; they too have their story.”

Totoo.
Kahit nga ang “baliw” may istoryang naikukwento,
may istoryang naitatago.

Minsan, may tumawag sa akin ng “baliw”
Simple lang.Dahil sa isinulat ko.
Nag-aakusa daw ako.
Hindi binasang mabuti. Nagpadala sa bugso ng damdamin.
Tinawag na akong “baliw.”

Hindi ako sumulat ng hindi ko pinag-isipan.
Hindi ako sumulat ng hindi ko pinag-aralan.
Hindi ako sumulat ng hindi ako kumonsulta.
Hindi ako sumulat para mag-akusa.
At hindi ako sumulat dahil wala lang akong maisulat.

Sumulat ako para ilabas ang nararamdaman ko.
Sumulat ako nang malaman ng buong mundo ang pinagdaanan ko.
Sumulat ako dahil gusto kong sumulat…
sumulat ng may katotohanan ng walang halong pag-aakusa.

Sa galit ng bumasa…

Hindi ko alam kung saang basurahan nya pinulot ang mensaheng ipinadala sa akin.
Mga salitang akala ko maririnig ko lang sa mga palengkera.
Mga salitang akala ko sa away-kanto ko lang mauulinigan.
Mga salitang akala ko hindi ko mapakikinggan sa mga katulad nya.

Pero hindi pala.

Nakakababa.

Baliw.

‘Yan ang bungad nya sa mensahe.
Hindi naman kahabaan.
May panghuhusga.
May pagbabanta.
Ngayon ko lalong naintindihan ang mga manunulat.
Minsan kahit simple, may kumplikadong reaksyon.Mahahaluan pa nga ng aksyon.

Ang isang taong matino, kahit sukdulan ang galit,
Hindi gagawa ng bagay na ikakasawi ng kapwa nya.
Ibinalik ko sa kanya.

Sosyal.

Now, who is baliw?

DESIDERATA –
“ Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.”

Di ko na pahahabain pa.I want to be gentle with myself.
Baka di ko mapigilan ang mga kamay ko sa pagsulat.

DESIDERATA –
“Be careful. Strive to be happy.”

Mag-ingat sa mga salitang bibitiwan. Ika nga –
“Your words might be used against you.”
Paano ka ngayon magiging happy kung babalik sa’yo ang mga sinabi mo.

Baliw.

- kulay