Wednesday, April 14, 2010

KASALANAN MO. KASALANAN KO. KASALANAN NGA BA NINO?

Ako ba o ikaw?

Bakit nagbago ang lahat.

Nangarap lang naman tayong maging masaya.

AKO,

Oo ako.

Ako ang nagsisimula ng pagtatalo.

Wala akong natandaang sinimulan mo. Pero nang-asar ka kaya nang-way ako. Tama ba?

AKO, ilang beses nang ginustong bumitaw. Pero sabi mo “hindi mo kaya.” Aayusin natin ‘to. Di ka nagdalawang salita sa akin. Ang alam ko “komited” ako sa’yo. Lahat palalampasin ko. Tama ka. Napakaliliit na argumento, bakit bibitaw ako.Marami tayong plano.

IKAW, Oo ikaw.

Lagi mo akong inaasar. Naaasar naman ako. E kasi nga nang-aasar ka. Mali ba?

IKAW, gusto mo ng bumitaw. Pero sabi ko “hindi ko kaya.” Aayusin natin ‘to. ilang salita na ang binitawan ko, ayusin natin ‘to. Ang alam ko talaga “komited” na tayo. Lahat palalampasin mo.

Bakit ayaw mo na?

Sumuko ka na.

Sabi mo napakadami ng argumento.

Nakakapagod na.

Wala ng thrill. Sana maiba naman. Sana katulad ng dati.

Ilan lang yan sa mga nasabi mo.

Nasaktan ako.

Sobra.

KASALANAN MO. KASALANAN KO. KASALANAN NGA BA NINO?

Naramdaman kong parang AKO lang ang may KASALANAN.

Nagtanong ako, IKAW ba wala? KASALANAN MO. KASALANAN KO. KASALANAN NGA BA NINO?

Sabi mo gusto mo nang bumitaw.

Sagot ko sana inihanda mo ako.

KASALANAN MO. KASALANAN KO. KASALANAN NGA BA NINO?

Ako ba o Ikaw?

TAYO.