Friday, April 16, 2010

Sabi Niya, Sabi Ko

Sabi nya:
Hindi ka daw gwapo,
Isaksak daw kita sa baga ko.
Sabi ko sa sarili ko:
OO naman.
Pero ‘di iyon ang basehan ko.
Nakita mo ba kung anong klase sya?
Tumitingin sa pisikal.
Sabi nya:
Itigil ko daw ang paghiling na maging kaibigan sya,
Hindi ko daw sya lubusang kilala.
Sabi ko sa sarili ko:
Oo naman.
Minsan ko lang ginawa iyon at ‘di na uulitin pa.
Nakita mo ba kung anong klase sya?
Namimili ng kakaibiganin.
Sabi nya:
Tama daw ang naging desisyon mo.
Dahil madami daw akong insecurity.
Sabi ko sa sarili ko:
Oo naman.
Sa desisyon mo?Oo naman.
Nakita mo ba kung anong klase sya?
Mapanghusga.
Kunsabagay,
Lahat tayo may kalayaan,
Kalayaang magsalita,
Kalayaang mamili,
Kalayaang tumingin ng tama at mali,
Kalayaang manghusga.

Haay..eto na naman ako.
Nakita mo naman kung anong klase ako.
Lahat pumapasok sa long-term memory ko.
Eto patapos na…

Sabi nya:
“I’m so sorry nag freak out lang ako.”

Sabi ko sa sarili ko:
“I’m so sorry too, ibblog ko na lang kayo.”