Sa mga babasa: Subukan ninyong tumawa, hihila ako ng buhok sa ilong ninyo. Biro! Seryoso ang nilalaman ng tekstong ito pero sisikapin kong haluan ng humor para hindi kayo mabagot. Samahan ninyo ako sa isang katotohanang gumising sa aking kamulatan at sa mundong aking ginagalawan. You may say I’m a dreamer but I’m not the only one. :D
Kaya tara na! Pumasok na tayo sa Arko..
Hanga ako sa siyensya. Kaya nitong ipaliwanag ang nangyayari sa ngayon sa mundo. Mula sa Global Warming na nagdudulot ng climate change na siya namang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang kalamidad na hindi natin naranasan noon. OPEN YOUR SENSES PEOPLE! Hindi na normal ang lahat ng ito. Lalo pa na ngayon ay sunud-sunod ang lindol na nangyayari. Sige siyensya, ipaliwanag mo. Kayang kaya mo yan.
Ngunit nang ako’y makaranas na ng mga dagok sa buhay at sobra na ang sakit na aking nararamdaman. Hindi na naipaliwanag ito ng siyensiya.Mayroon pala siyang hindi kayang ipaliwanag (para sa akin ha?) Kinailangan ko nang bumalik sa Kanya. Siya na may likha ng lahat. Sa isang iglap ay namulat ako sa mundong puno ng kasalanan. Marami na pala tayong nakalimot sa Kanya. Masyado tayong nadedeceive ng akala natin ay pangkaraniwan lamang.Sa pagbabasa ko ng Bibliya, nasagot ang lahat ng aking katanungan. (Ayan seryoso na.. galaw-galaw.. check nyo muna dashboard nyo baka may bagong blog post.)
Balik serious na..
Minsan palang nasaktan natin Siya at patuloy natin Siyang sinasaktan. Noon, sa Old Testament, ikinalungkot Niya ang paglikha sa tao dahil lumalayo na ang mga ito sa Kanya at namumuhay na sa kasalanan. Sinimulan na Niyang magpadala ng mga propeta upang magbalik sa Kanya ang lahat ng Kanyang mga nilikha. Prayer and Repentance ang itinuturo nila ngunit patuloy pa rin ang mga tao sa paggawa ng hindi kasiya-siya sa mga Mata Niya. Hanggang sa ipadala na Niya ang pinakamamahal Niyang Anak. Ilang libong taon na ang lumipas at ang mga turo Niya’y nandidiyan lang pero tila hindi natin pinapansin. Patuloy pa rin tayo sa paggawa ng kasalanan. (Mas seryoso na ito check uli ang dashboard baka may nag tweet..ay!)
Balikan natin ang arko ni Noah. Makasalanan na ang mga tao sa paligid ng nakatutuwang si Noah.But Noah is such a good listener to God’s calling. Isang paparating na bagyo ang dapat paghandaan dahil magdudulot ito ng matinding pagbaha. (Ielaboreyt ko pa ba? the rest is Biblical History.) Pero tanda ninyo? Tinawanan si Noah ng mga makasalanan. (Ayan sige tumawa kayo, bahala kayo magsasara ang arko nyan.Naku ayokong mapagsarhan!) Kitang kita natin sa istoryang ito kung gaano tayo kahalaga sa Kanya at iparating sa atin ang kagustuhan Niyang bumalik tayo sa Kanya.
Para sa akin, at sa iba pang gumising na ang kamulatan, at nagsisimula nang yakapin ang prayer and repentance, hindi na normal ang mga nangyayaring kalamidad. Lalung lalo na ang sunud-sunod na paglindol. Ginigising na Niya tayo. Galaw-galaw. Hindi pa huli ang lahat.OPEN YOUR EYES PEOPLE.Masyado nang makasalanan ang mundo natin.The seven deadliest sins are around. Resist! Let us follow the Ten Commandments. Yakapin natin ang una and the 9 others will be easy to follow.
Kung ano man ang sinasabi ko ngayon, tawanan man ninyo ako, WALA AKONG PAKIALAM. Sigaw ko’y Kalayaan! Malaya ako sa nais kong sabihin. Malaya kayo sa kung ano mang gusto ninyong sabihin sa akin.Mas pinahahalagahan ko ngayon ang sasabihin Niya sa akin. Hindi ko lang magawang kimkimin sa sarili ko ang magandang balita na mahal Niya tayo at bumalik na tayo sa Kanya. (Kulay ayan na seryosong-seryoso na! Sige dashboard muna uli baka may friend request!ay!)
Gawin nating inspirasyon ang mga suso (snail ha?snail! hindi yung isa, ay dalawa pala!) Ulitin ko, gawin nating inspirasyon ang mga suso, na kahit gaano sila kabagal, pinilit pa ring nilang makapasok sa arko. Tayo pa kaya? Panahon na para pumasok sa arko. Noah is calling us once more. Huwag tayong sumama sa mga hindi nakinig. Sabi ko nga kahit anong relihiyong magbabalik sa akin sa Kanya ay kikilalanin ko basta makabalik ako sa Kanya. Sana kayo rin. Sana kasama ko rin kayo sa kamulatang ito.
Hinahamon ko kayong mga kabataan. Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Braso sa braso. Talampakan sa talampakan. Patay na kuko sa patay na kuko. Biro! (Tawa naman muna diyan.) Hinahamon ko kayo na magsimula ng bagong henerasyon. Bagong henerasyong malapit sa Kanya. Close ba, as in close. Huwag na ninyong gayahin ang mga pagkakamaling nakikita ninyo sa paligid. Ang tignan ninyo ay ang tamang nagagawa ng naunang henerasyon sa inyo.
Isa ako sa inyo at sa mga taong gustong magkaroon ng bagong henerasyon.Ngayon ay sinisimulan ko na. Nasa proseso pa rin ako ng ganap na pagbabalik sa Kanya. Unti-unti. Ngayon ay para akong isang suso ngunit alam ko’y aabot pa rin ako sa arko.Dahil may kagustuhan akong makapasok dito. Marami pa akong dapat iassess sa pagkatao ko. Nagsisimula na ako. Sana marami tayo. Para lahat makapasok sa arko na magliligtas sa atin sa matinding delubyo dahil sa mga kasalanan natin. Mahal Niya tayo. Ngunit paano Niya tayo tutulungan kung hindi natin tutulungan ang mga sarili natin? (teka.. calling Dr. Truth please proceed to the emergency room.. seryoso na po talaga ang lagay ni Kulay! :D)
Kaya hindi ko na pahahabain pa..
Isa pang hamon ko para naman sa mga blogger. Use the gifts that you have. Pagyamanin ninyo and spread the good news in your own tumblr way. You can create something beautiful and extraordinary that is pleasing to human eyes and most especially, pleasing to God’s eyes. Now is the time to be back in His arms, in His loving arms.Remember, He is worthy to be loved, be praised and be served.So paano ha?
Tara na! Pumasok na tayo sa arko! :D
-kulay