Monday, May 10, 2010

Agnas

Kapag ika’y tuluyan nang kinuha ng langit,
Katawan mo’y sa hukay uuurin.
Pagkatao mong sinira ng pagiging sinungaling,
Sa paglipas ng panahon, ikaw ay lilimutin.
Daig mo pa ang bangkay na naaagnas,
Sa pagsira sa tiwalang labis na ipinaranas.
Sa huli’y agnas kang lilingunin,
Tulad kong ngayo’y agnas na sa iyong paningin.