Sa awit ng isang sikat na rapper
asul man daw, itim o pula,
paano mo ginamit ang tinta?
Ngunit ang tanong ko sa sarili ay iba.
Noon, asul man, itim o pula
saan ko ginamit ang tinta?
Asul sa naglahong mga ngiti
Itim sa pusong sugatan at nag-iisa
At higit sa lahat, pula sa galit na nadama
Asul sa walang hanggang pagpatak ng luha
Itim sa kawalan ng ligaya
At higit sa lahat, pula sa galit na nadama
Asul sa mga gabi ng pag-iisa
Itim sa paghihinagpis
At higit sa lahat, pula sa galit na nadama
Ngayon
Asul man, itim o pula
Saan ko na ginagamit ang tinta?
Asul sa pagbubukas ng bagong umaga
Itim sa pagsilay ng liwanag at pag-asa
At higit sa lahat, pagmamahal para sa pula.

No comments:
Post a Comment