Sa tuwing makakakita ako ng mga nagpepenitensya sa telebisyon, tumataas ang kilay ko at nagtatanong kung bakit kailangan pa nilang gawin 'yun. Inililipat ko ang telebisyon kapag ganoon at naghahanap ng ibang mapapanood.
Ngayong Holy Week, nangako ako sa mga pinsan ko sa Pampanga na dadalaw ako sa kanila, makikibond at magsswimming. Ang totoo, bumili pa ako ng mga swimsuit para dun, susulitin ko ang bakasyon dahil maraming trabaho pagpasok ng Mayo. Hindi ko alam na ang pagkakataong ito ang babago sa pananaw ko sa mga taong nagpepenitensya.
Sa bungad palang ng Pampanga, hindi ko inaasahang makakita ako sa personal ng mga katulad nila at maaantig ang puso ko sa mga Mandarame at makakapagnilay ng ganoon kalalim.
Sa bawat isang Mandarameng dumaraan, hindi tao ang naiisip ko kundi si JC at ang sakripisyong ginawa Niya para sa atin. Ang totoo, dinurog ng mga Mandarame ang puso ko, may mga nadadapa sa sobrang pagod at bigat ng krus na dinadala nila. Seryoso. Gusto kong makibuhat at tulungan sila. Ang iba naman, sobrang dami na ng dugo ang lumalabas sa paghampas nila sa kanilang likod, gusto kong sabihing "tama na".
Ang bawat isang Mandarame, may istorya sa likod ng pagbuhat ng krus at paghampas sa likod. Hindi s’ya isang choreographed na performance para sa ikasisiya ng mga turista. May malalim na dahilan at kahilingan sa Panginoon kaya nila ginagawa iyon. Noon ko sila lubos na naintindihan. Doon din pumasok sa isip ko ang hirap ni JC sa kamay ng mga nagparusa sa Kanya sa kabila ng kagustuhan Niyang mapalapit tayo sa Kanyang Ama. Sobra. Ang sabi ko sa sarili ko, mas brutal pa d’yan ang dinanas Niya. At kung sakaling buhay na ako ng panahong iyon, hindi siguro titigil ang pagpatak ng luha ko.
Ang pangako ko ngayon sa sarili ko, matututo na akong pasanin ang sarili kong krus sa buhay nang hindi ako magrereklamo. Lagi kong iisipin, na ang lahat ng bagay ay naaayon kagustuhan ng Panginoon. Gaano man ito kabigat o kasakit, huhubugin ako nito bilang isa sa mga anak Niyang gusto niyang makasama sa Kanyang kaharian.
Mga Mandarame, salamat. Nang dahil sa inyo, nakapagnilay ako ngayong Holy Week sa hindi ko inaasahang pagkakataon. At Sa'yo JC maraming maraming salamat. Ang buhay, sakripisyo at pagkamatay Mo ang siyang nagligtas at patuloy na magliligtas pa sa amin, sa akin.

No comments:
Post a Comment