Friday, September 23, 2011

TINGIN TULALA TUNGANGA



Titingin na lang ba ako
at matutulala sa kawalan
hanggang ako’y matagpuan?

Tutunganga na lang ba ako
habang ang ila’y nakatingin
sa tulalang tulad ko?

Tingin.
Tulala.
Tunganga.

Ako'y

nakatingin
nakatulala
nakatunganga

sa puntod ng nakaraan
at hanging nagdaan
sa gitna ng kawalan.

No comments:

Post a Comment