Tuesday, June 7, 2011

Ginoong Estranghero

Ginoong estranghero
Lumilipad na naman ang isip ko
Ilang buwan na ring ganito
Laman ka ng bawat panaginip ko

Ginoong estranghero
Ikaw na lang ng ikaw ang nasa isip ko
Nagtatanong ako bakit ganito
Ako’y nalilito sa tuwing tititig sa iyo

Ginoong estranghero
Gusto na kitang alisin sa isip ko
Dahil parang ayoko ng ganito
Pagmamahal na naman yata ito

Ginoong estranghero
Ang korni na yata nito
Nagsusulat na naman ako
Nakakaloka na ginoo, ginoong estranghero

No comments:

Post a Comment