Friday, July 15, 2011

Kuha Mo?


Ang bawat salita,
ang bawat pangungusap,
ang bawat talata,
lalung-lalo na
ang bawat linya
at saknong
sa mga panulat na narito
ay ako.

Kuha mo?

Ako na sa salitang Ingles ay “me”,
at sa tradisyunal na Chinese ay 我的.

Kuha mo?

Ako?
Hindi.

Ako ang salita
na nabuo bilang pangungusap
at ang pangungusap
na nabuo bilang talata.

At ako rin
ang mga linya
na nabuo bilang saknong.
Ako at ako nga.

Kuha mo?

Ang bawat emosyon
ang bawat reaksyon
ang bawat aksyon
at ang bawat kumbulsyon..?
na ipinahayag
sa blog na ito
ay ako.
Kuha mo?

Titigilan ko na ito.
Magulo.
Ako.
Kuha mo?

No comments:

Post a Comment