skip to main | skip to sidebar

Ako si Kulay

"Keep me as the apple of your eye; hide me under the shadow of your wings." (Psalm 17:8)

Oh Why?

'coz when I was a little girl, I had skin as dark as chocolates!

"Chocolate ang kulay!
"




Promote this event badge
Build a Bahay Blogger at Youth Build 2012

My Notes and Poetry

  • ► 2014 (2)
    • ► April (1)
    • ► February (1)
  • ► 2013 (3)
    • ► July (1)
    • ► June (1)
    • ► January (1)
  • ► 2012 (8)
    • ► October (1)
    • ► August (1)
    • ► June (2)
    • ► May (1)
    • ► April (1)
    • ► February (1)
    • ► January (1)
  • ▼ 2011 (47)
    • ► December (1)
    • ► October (1)
    • ► September (2)
    • ► August (1)
    • ► July (6)
    • ► June (4)
    • ▼ May (2)
      • run
      • Naiinis ako ‘nay!
    • ► April (5)
    • ► March (1)
    • ► February (14)
    • ► January (10)
  • ► 2010 (100)
    • ► December (18)
    • ► November (8)
    • ► October (1)
    • ► August (1)
    • ► July (22)
    • ► June (24)
    • ► May (12)
    • ► April (14)

2010

2010

2011

2011

My blog supports

My blog supports

Disclaimer

The images featured in this blog have been gathered from the internet, from free sites, friends, etc. and are believed to be in the "public domain". If you are the owner of any photo and want it to be properly credited or removed, kindly email me: lie19th@gmail.com.


Sparkline
Thank You!
Subscribe to Feed


Kulaydoscope

notes and poetry

Friday, May 6, 2011

run

papermoon
gonna make a papermoon
wish that I could see you soon

Halley's Comet
gonna wait for Halley's Comet
wish your eyes meet mine when it hits this planet

summer sun
gonna chase the summer sun
wish that I could have you and run
Posted by Kulay at 3:01 PM 0 little drops of words
Labels: edited, love, tula-tulaan

Thursday, May 5, 2011

Naiinis ako ‘nay!

Alas-tres ng madaling araw
ang ingay ingay mo sa kusina
kalampagan nang kalampagan ang mga kaldero,

kawali at takure.

Amoy usok pa dahil kalang de-uling ang gamit mo
alas-kwatro y medya
ang lakas ng katok mo sa kwarto
“Kulay! Gising na! nakahanda na ang almusal mo,
may nakasalang na mainit na tubig pampaligo, bumangon ka na.”

Naiinis ako ‘nay!


Habang kumakain ako ng sinangag at itlog na niluto mo

uulitin mo na naman

“Kulay, yung tubig na nakasalang pampaligo mo yun.”

Pagkatapos kong mag-almusal,

maligo at mag-ayos ng sarili,

handa na ako sa pagpasok sa trabaho
babangon ka na naman,
“Kulay! Magdala ka ng payong,
baka mamaya umulan o
kaya mainit pag-uwi mo.
Ikandado mo yung pinto,
mahihiga na ako.”

Naiinis ako ‘nay!


Pag-uwi ko sa bahay

sasabihin mo sa mga kapatid ko

“O, yung pagkain ng ate n’yo ha,
nandun na
Kulay, kumain ka na.”

Papasok ako sa kwarto,
magpapahinga sandali

kakatok ka na naman

“Hoy Kulay kumain ka na.”

Pupunta ako ng lababo pagkatapos kumain,

maghuhugas ng pinggan

pipigilan mo ako, “
Bitawan mo ‘yan, ako na d’yan.”


Naiinis ako ‘nay!


Aayusin ko ang marumi kong damit,

pipigilan mo ako,
“Bitawan mo ‘yan, ako na d’yan.”

Hahawak ako ng walis,

pipigilan mo ako,

“Bitawan mo ‘yan, ako na d’yan.”

Papasok ako sa kwarto,

kakatok ka na naman

“O Kulay, yung kumot mo pati punda ng unan

nilabhan ko na, eto gamitin mo.”


Naiinis ako ‘nay!


Tatlumpu’t isang taon ng buhay ko, ganyan ka.

Lagi mo na lang akong inaasikaso.

Naiinis ako sa sarili ko ‘nay!

Tatlumpu’t isang taon ng buhay ko
hindi ko pa rin alam
kung paano ko susuklian ang pag-aasikaso mo.

Pakiramdam ko, kulang ang sabihin kong
,
“mahal kita ‘nay!”

Gusto ko, ako naman ang magsilbi sa’yo.

Pero paano?

Kung alas-tres palang na madaling araw
gising ka na?
Ako nakahilata pa!

Aylabyu ‘nay!

Happy Mother’s Day!


photo from google images
Posted by Kulay at 3:45 PM
Labels: love, nanay, notes
Newer Posts Older Posts Home
Subscribe to: Posts (Atom)

Blog Design by Gisele Jaquenod